Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, mas piniling ipagdiwang ang 27th birthday sa Pilipinas

By Mariel Cruz September 25, 2016 - 09:47 AM SHARE(S):
pia-1
Inquirer file photo

Mas pinili ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa Pilipinas.

Kasama ang kanyang malalapit na kaibigan, pageant mentors at pamilya, ipinagdiwang ni Pia ang kanyang 27th birthday sa isang fine dining restaurant sa Uptown Mall sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Mula sa New York, lumipad ang reigning Miss Universe patungo sa bansa para sa isang grand dinner party sa Naxional South American restaurant sa BGC.

pia-2
Inquirer file photo

Kabilang sa mga dumalo sa nasabing selebrasyon ang ilang sa mga beauty queen na kaibigan ni Pia na sina Bianca Guidotti, Bb. Pilipinas Grand International 2016 Nicole Cordoves, Bb. Pilipinas Universe 2016 Maxine Medina at Bb. Pilipinas Universe 2011 Shamsey Supsup-Lee.

Para kay Pia, ang kanyang kaarawan ngayong taon ang pinaka memorable dahil ito ang una at tanging birthday celebration niya bilang reigning Miss Universe.

Sa susunod na taon, nakatakda nang ipasa ni Pia ang kanyang korona sa panibagong tatanghalin na Miss Universe.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.