Ilang mga mambabatas, hinikayat ang agarang pag-apruba sa panukalang batas para sa dagdag na rehab centers

By Angellic Jordan September 25, 2016 - 09:15 AM

drug addicts sumukoUpang matugunan ang suporta sa kampanya kontra iligal na droga, hinihikayat ng mga mambabatas sa Kamara de Representates na bilisan ang pag-aapruba sa panukalang batas kaugnay sa pagtatayo ng drug rehabilitation centers sa kada rehiyon sa Pilipinas

Sa inilabas na pahayag ni Deputy Speaker Raneo Abu, magsisilbing simula ng proseso ng pagbabago ng buhay ng mga sumukong drug users ang agarang pag-apruba sa House Bill No. 9.

Ang nasabing panukalang batas ay isinulat nina Speaker Pantaleon Alvarez, Majority Leader Rodolfo Fariñas, Minority Leader Danilo Suarez and Representatives Rolando Andaya Jr., Karlo Alexei Nograles, Michael John Duavit, Carlos Cojuangco, Elisa Kho, Benhur Salimbagon and Rodel Batocabe.

Ayon kay Dangerous Drugs Committee Chairperson Robert Ace Barders, prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang aspeto tungkol sa rehabilitation centers para sa kampanya nito kontra sa iligal na droga base sa inilaan na tatlong bilyong pisong budget para sa konstruksyon ng mga ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.