Pilipinas, nakiusap sa UN na huwag manghimasok sa kampanya kontra iligal na droga

By Mariel Cruz September 25, 2016 - 09:01 AM

yasay
AFP photo

Nakiusap si Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay sa United Nations na huwag mangialam sa kampanya ng Pilipinas kontra iligal na droga.

Ito ay sa kabila ng pagkaalarma ng international community sa tumataas na bilang ng mga napapatay sa pinaigting na kampanya ng kasalukuyang adminstrasyon kontra kriminalidad at iligal na droga.

Sa kanyang talumpati sa UN General Assembly sa US, ipinagtanggol ni Yasay sa mga kritiko ang anti-drug campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Dapat aniya na hayaan ang Pilipinas na harapin ang mga problema nang walang panghihimasok na ginagawa ang international community.

Sa ganitong paraan aniya ay malayang maabot ng Pilipinas ang mga layunin nito.

Matatandaang ipinangako ni Duterte noong maupo siya bilang pangulo na lilinisin niya ang bansa sa iligal na droga sa loob ng anim na buwan.

Simula nang maupo bilang pangulo si Duterte noong June 30, umabot na sa tatlong libo katao ang napapatay sa mga anti-drug operations ng pulisya.

Ayon kay Yasay, hindi nila bibigyan ng kapangyarihan ang mga law enforcement agents na pairalin ang shoot-to-kill sa mga hinihinalang drug suspek.

Giit ng kalihim, walang lugar sa lipunan at sa criminal justice system ng bansa ang extrajudicial killings.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.