PDEA, dapat maging bahagi ng Gabinete ayon kay Sen. Lacson
Itutulak ni Senator Panfilo Lacson, chairman ng Senate Public order and illegal drugs committee, ang pagpasa ng panukalang batas na maging bahagi ng Gabinete ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa maigting na kampanya laban sa ilegal na droga ng Duterte administration.
Ayon kay Lacson, ang PDEA ang gagawa ng koordinasiyon sa lahat ng anti-drug efforts ng gobyerno kabilang na ang rehabilistasyon ng nasa libu-libong drug users.
Binabalak ng national government na mabigyan ng pondo ang pagbuo ng mga regional at provincial drug rehabilitation centers sa ilalim na panukalang 2017 3.3 trillion national budget ng Duterte administration dahil sa iilan lang ang pagmamay-ari na pamahalaan at maging ang mga private managed drug rehabilitation centers sa bansa.
Dagdag pa ni Lacson na dapat magpasa ng batas ang Senado na magbabawal sa pagkakaroon ng parole ang mga convicted criminal na may kinalaman sa ilegal na droga.
Aniya, handa na ang kanyang komite para sa technical working group (TWG) phase kaugnay ng iba pang anti-drug at anti-crime bills tulad ng pagpapalakas ng anti-wiretapping efforts.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.