Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar, bukas ang Duterte administration sa pagbisita at pag-imbestiga ng United Nations Rapporteur on Human Rights.
Dagdag ni Andanar. ito ay malinaw na manipestasyon na walang anumang bagay na itinatago mula sa international community ang bansa.
Kaugnay nito, wala pang pormal na imbitasyon para sa mga UN rapporteurs na pumunta sa Pilipinas para magsagawa ng imbestigasyon sa umano’y extrajudicial killings.
Matatandaang noong Huwebes ay hayagang inimbitahan ni Pangulong Duterte ang mga ito sa kanyang naging talumpati.
Ayon sa mga report, magpapadala ang UN ng 18-man team sa Pilipinas mula September 28-29 para magsagawa ng review sa naging compliance ng bansa kaugnay ng human rights obligations sa ilalim ng International Covenant on Economic, Social, and Cultural Rights (ICESCR).