Malakanyang, walang itinatago mula sa international community

By Rod Lagusad September 25, 2016 - 02:21 AM

malacanang-fb-07234Binigyang diin ng Malakanyang na walang itinatago ito mula sa international community lalo na sa kampanya laban sa ilegal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya bukas sa pagbisita ang bansa sa United Nations (UN), European Union (EU) at maging si United States President Barack Obama.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar, bukas ang Duterte administration sa pagbisita at pag-imbestiga ng United Nations Rapporteur on Human Rights.

Dagdag ni Andanar. ito ay malinaw na manipestasyon na walang anumang bagay na itinatago mula sa international community ang bansa.

Kaugnay nito, wala pang pormal na imbitasyon para sa mga UN rapporteurs na pumunta sa Pilipinas para magsagawa ng imbestigasyon sa umano’y extrajudicial killings.

Matatandaang noong Huwebes ay hayagang inimbitahan ni Pangulong Duterte ang mga ito sa kanyang naging talumpati.

Ayon sa mga report, magpapadala ang UN ng 18-man team sa Pilipinas mula September 28-29 para magsagawa ng review sa naging compliance ng bansa kaugnay ng human rights obligations sa ilalim ng International Covenant on Economic, Social, and Cultural Rights (ICESCR).

 

TAGS: International Covenant on Economic, Malakanyang, Rodrigo Duterte, Social and Cultural Rights, United Nations, International Covenant on Economic, Malakanyang, Rodrigo Duterte, Social and Cultural Rights, United Nations

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.