Hindi bababa sa 50 celebrities, kasama sa drug list ni Pangulong Duterte ayon kay Diño

martin dino1Inihayag ni Incoming Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) chairman Martin Diño na hindi baba sa 50 celebrities ang kabilang sa drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Diño, na chairman of the Volunteers Against Crime and Corruption at partymate ni Pangulong Rodrigo  Duterte sa PDP-Laban, sa isang press conference sa Quezon City, na karamihan sa mga celebrities ay mga drug users habang di baba naman sa 10 ang mga hinihinalang drug pushers.

Hindi naman ibinigay ni Diño ang mga pangalan ng mga naturang celebrities.

Dagdag pa niya, na ilan sa mga ito ang sumailalim na sa drug tests.

Noong nakaraang linggo, kinumpirma ni, National Capital Region Police Office (NCRPO) director Chief Superintendent Oscar Albayalde ang listahan ng mga celebrities na may kaugnayan sa ilegal na droga.

Kaugnay nito, sinabi ni Albayalde na patuloy nilang kinukumpirma ang nasabing listahan.

Ang mga naturang pangalan ng mga celebrities na kasama sa listahan ay base sa impormasyon mula sa mga naarestong drug suspects.

Ayon sa NCRPO, ang mga nasabing pangalan ng mga celebrities ay maaring ilabas sa publiko depende sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte o ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald dela Rosa.

Read more...