FEJODAP, iminungkahi ang pag-upgrade sa mga jeep kaysa phaseout

By Rod Lagusad September 25, 2016 - 02:07 AM

Inquirer file photo

Iminungaki ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) na dapat i-upgrade na lang ang mga lumang jeepney kaysa i-phaseout para maresolba ang polusyon sa Metro Manila.

Nanawagan ang Department of Transportation (DOTr) sa voluntary phase-out ng mga jeep na may edad ng 15 taon pataas ngayong taon bagong ang isasagawang mandatory phaseout sa taong 2018.

Ayon sa data ng DOTr, aabot sa 60, 000 ang bilang ng mga jeep sa Metro Manila pa lang na siyang nagsisilbing pangunahing transportasyon ng mga commuters.

Sinabi ni Elmo San Diego, head ng Public Order and Safety ng Quezon City, nauukupa ng mga Jeep ang halos kalahati ng mga lansangan ng lungsod.

Ang mga opisyal ng naturang lungsod na isa sa mga pinakamalakaing urban center, ang mga nagtutulak ng phaseout ng mga jeep para mabawasan ang polusyon at traffic congestion.

Dagdag ni San Diego na ng city government na sisiguraduhin na ang mga jeepney drivers na mawawalan ng pagkakakitaan ay bibigyang ng trabaho.

 

TAGS: dotr, fejodap, Metro Manila, quezon city, dotr, fejodap, Metro Manila, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.