Apat katao, patay sa magkakahiwalay na insidente ng pamamaril sa Metro Manila

crime-scene-300x200Patay ang apat na katao sa magkakahiwalay na insidente sa lunsod ng Maynila, Mandaluyong at Quezon City mula gabi ng Biyernes hanggang umaga ng Sabado.

Kinilala ang isa sa mga biktima na si Sandrex Ampoan, na unang sumuko sa “Oplan Tokhang”.

Binaril si Ampoan bandang alas diyes ng gabi ng Biyernes ng hindi pa nakikilang mga nakamotorsiklo sa Barangay 900, Punta, Sta. Ana, Manila.

Ayon sa nanay ni Ampoan, na may mga pulis na di nakauniporme ang nagsabi sa kanyang anak ang nagsabing ito ay papatayin.

Sinabi ni Chief Inspector Romeo Stabillio, ang Police Community Precinct commander ng Punta Sta. Ana, na bahagi ng kanilang trabaho ang pag-monitor sa mga sumuko kaugnay ng ilegal na drogaa at kanyang ding itinanggi ang kaugnayan ng mga pulis sa pagkamatay ni Ampoan.

Kaugnay nito, isa pang biktima na kinilala na si Ipe Panustan ang dead on the spot matapos pagbabarilin ng riding-in tandem sa Riverside, Barangay Commonwealth, Quezon City bandang alas diyes din gabi ng Biyernes.

Natagpuan naman sa labi ng biktima ang karatulang nagsasabing ito ay isang drug pusher.

Habang dalawang hindi pa nakikilalang biktima ang nagtapuan ding patay sa Calbayog Street, Barangay Highway Hills, Mandaluyong City bandang alas dos ng umaga ng Sabado.

Ang mga labi ng mga biktima ay natagpuan malapit sa kanilang kotse nan aka-park malapit sa isang bingo gaming establishment.

Isa pang babaeng biktima na kasama ng mga nasawi ang nagtamo ng tama ng barila na agad dinala sa opsital.

Narekober ng pulisya ang isang baril at isang kataula na nagsasabing mga driug lords ang mga napatay na biktima.

Napag-alaman namang may CCTV na naka-install sa harapn ng crime scene ngunit ito ay sira habang tumanggi namang magbigay ng pahayag ang Scene of the Crime Operatives (SOCO).

Read more...