DLSU, tinalo ang Adamson

By Rod Lagusad September 25, 2016 - 01:58 AM

Inquirer file photo

Panalo ang De La Salle Archers kontra Adamson Falcons sa iskor na 91-75, kung saan nanatiling walang talo ang koponan sa nagdaang limang laro sa UAAP Season 79 men’s basketball tournament.

Sa unang bahagi pa lang ng laro ay lumamang na ang Green Archers sa Soaring Falcons ng 19 points.

Pinangunahan ni Ben Mbala ang kanilang koponan na may 21 points, kung saan 15 points dito ay naitala niya sa first half pa lang ng laban

Si Mbala ay meron ding 16 rebounds, 4 steals at 3 blocks habang nakapag-amabag naman si Jerong Teng ng 15 points.

Kumamada naman ng 13 points si Aljun Melecio at 12 points naman ang kay Kib Montalbo.

Nagtala naman si Jerrick Ahanmisi ng 22 points para sa Adamson.

TAGS: Adamson, Ben Mbala, DLSU, Jerong Teng, UAAP, Adamson, Ben Mbala, DLSU, Jerong Teng, UAAP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.