Pentatonix, kinukunsiderang gumawa ng music video sa Pilipinas

By Rod Lagusad September 25, 2016 - 01:53 AM

Inquirer file photo

Muling bumalik sa pangalawang pagkakataon sa bansa ang Grammy award-winning American a capella group na Pentatonix para magtanghal sa kanilang mga Filipino plans.

Ginanap ang naturang concert na bahagi ng Pentatonix World Tour 2016 kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Bukod dito, kinukunsedera ng grupo na gumawa ng music video Maynila o saanmang bahagi ng bansa kung saan kanilang binigyan diin na isa sa kanilang paboritong mga tagahanga ay ang mga Pilipino.

Sinabi din ng grupo na gusto nilang mag-cover ng isang Tagalog song at magkaroon ng collaboration sa isang Filipino artist dahil kilala ang mga Pinoy na magaling na mga mang-aawit.

Binubuo ang Pentatonix nina Avi Kaplan, Kirstin Maldonado, Scott Hoying, Mitch Grassi at Kevin Olusola na nakilala matapos nila Manalo sa third season ng programang Sing-Off sa NBC.

Ang naturang grupo ay mas mature bilang mga artist sa kanilang pagbalik sa Pilipinas matapos nilang manalo ng Grammy award, manguna sa Billboard chart at magkaroon  ng collaboration kina Parton, Toddrick Hall, Daisuke Ono at iba pa.

 

TAGS: Grammy, Pentatonix, Smart Araneta Coliseum, Grammy, Pentatonix, Smart Araneta Coliseum

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.