Sa naging talumpati ni Indonesian Vice President Muhammad Jusuf Kalla sa harap ng UN General Aseembly, sinabi nito na kailangan ng United Nations ng mga reporma para lalong mapalakas at mas maging matatag ito sa mga hamon at realidad ngayong 21st century.
Dagdag pa ni Kalla na kailangan ng UN na maging epektibo, transparent, accountable, efficient, representative at bilang sentro ng world governance.
Aniya, mas palalakasin ng Indonesia ang commitment nito sa pamamagitan ng pagdadagdag ng peacekeeping force sa taong 2019 at ang lalong pagpapaigting ng paglaban sa terorismo sa kanilang bansa at buong mundo.
Ang pagpili ng ng bagong non-permanent Security Council members ay isasagawa sa taong 2019.
Ilan pa sa mga bansang kabilang sa Asia-Pacific na kandidato din ay ang mga bansang India at Vietnam.