Dating vice mayor ng Apalit Pampanga patay sa pamamaril

By Den Macaranas September 24, 2016 - 08:11 PM

apalit-12-1Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang dating vice mayor ng Apalit, Pampanga na si Alex Manlapaz.

Ang 48-anyos na si Manlapaz ang may-ari ng Masa Resort na matatagpuan sa Barangay San Juan.

Sa paunang imbetigasyon, sinabi ni Supt. Wilson Alicunan, hepe ng pulisya sa bayan ng Apalit na dalawang lalaki ang nagpangap na customer ng nasabing resort.

Pagpasok nila sa Masa Royale Resort ay kaagad nilang pinagbabaril si Manlapaz nang ito ay kanilang nakasalubong.

Dead-on-the-spot ang dating local officials dahil sa mga tinamong tama ng baril samantalang mabilis namang tumakas ang mga salarin na ngayon ay target ng inilunsad na manhunt operations ng Pampanga PNP.

Inaalam pa ng mag otoridad ang motibo sa nasabing krimen.

TAGS: apalit, manlapaz, Pampanga, apalit, manlapaz, Pampanga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.