DOTr itinanggi na humihingi ng pera para sa mga biktima ng Davao blast

By Den Macaranas September 24, 2016 - 05:50 PM

tugade2
Inquirer file photo

Nilinaw ni Dapartment of Transportation Sec. Arthur Tugade na wala silang inilunsad na solicitation program para sa mga biktima ng pagsabog sa Davao City noong September 2.

Inilabas ng kalihim ang pahayag makaraan siyang makatanggap ng mga ulat na may ilang nagpapakilalang DOTr personnel ang nanghihingi ng pera na umano’y gagamiting pangtulong sa mga biktima ng pagsabog.

Sinabi ni Tugade na kahit kailang ay hindi sila gagawa ng ganoong uri ng pangongolekta ng pera sa publiko.

Nauna dito ay ilang grupo rin ang gumamit sa pangalan ni Davao City Mayor Sarah Duterte sa kahalintulad na modus.

Noong isang linggo ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na bibigyan ng tig P200,000 ang pamilya ng labing lima kataong namatay sa pagsabog.

Kahalintulad na halaga rin ang ibibigay ng gobyerno sa mga naging disabled sanhi ng naturang terror attack.

TAGS: davao blast, dotr, duterte, tugade, davao blast, dotr, duterte, tugade

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.