Bagyong “Helen” nakapasok na sa bansa

helen
Pagasa

Pumasok na sa bansa ang sama ng panahon na may international name na “Megi” kaninang alas-kwatro ng hapon.

Sa pinakahuling weather bulletin na inilabas ng PAGASA, ang nasabing sama ng panahon na ngayon ay tatawaging “Helen” ay huling namataan 1,390 kilometers East Northeast ng Casiguran, Aurora.

Taglay ng bagyong Helen ang lakas na 110 kilometers per hour at pagbugsong 140kph.

Patungo ang nasabing sama ng panahon sa West Northwest patungo sa direksyon ng Batanes at Taiwan area sa bilis na 25 kilometro bawat oras.

Sinabi ng PAGASA na hindi nila inaasahang magla-landfall sa lupang bahagi ng bansa ang naturang bagyo pero magdadala pa rin ito ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon.

Nauna nang sinabi ng Office of the Civil Defense na nakahanda na rin ang kanilang mga tauhan sa anumang pinsala na pwedeng ihatid ng bagyong Helen.

Read more...