PNOC EC officials kinasuhan ng katiwalian sa Ombudsman

By Den Macaranas September 24, 2016 - 03:40 PM

pnocSinuway ng mga opisyal ng Philippine National Oil Co. Exploration Corp. (PNOC EC) ang mismong utos ng Office of the President sa maanomalyang pakikipag kontrata sa isang kaduda-dudang kumpanya na naka base sa British Virgin Islands.

Kasunod ito ng reklamong graft and corruption na isinumite ng isang university professor sa Office of the Ombudsman laban sa mga PNOC EC officials sa pangungunan ng pangulo at chief executive officer (CEO) nitong si Atty. Pedro A. Aquino, Jr.

Bukod kay Aquino, isinama rin ni Bernardo V. Lopez sa kanyang reklamo sina PNOC EC board of directors Rafael M. Iriarte, Ralph Pastor A. Salazar, Joseph Loreto Emnas, Fernando Petilla at Fernando L. Zulueta, dahil sa pag labag ng Section 3 ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Nireklamo ni Lopez sa Ombudsman na nagsabwatan ang mga PNOC EC officials sa pakikipagkontrata sa pribadong kumpanya, ang respondent na Pionaire Finance, Ltd. na nagresulta para malugi ang pamahalaan.

Napatunayan sa reklamo na hindi isang petroleum trading company kundi isang ordinaryong finacing firm lamang ang Pionaire.

Sinabi ng complainant na si Aquino na binalewala ang kautusan na inisyu ni dating Executive Secretary Paquito Ochoa noong Oct. 5, 2015 na pansamantalang ihinto muna ang memorandum of understanding (MOU) sa Pionaire.

Hindi rin sinunod ni Aquino ang posisyon ng Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) na nagbabala muna sa mga ito na tingnan munang mabuti ang kontrata sa Pionaire bilang trading partner dahil hinihingi ito ng batas.

Subali’t  imbes na sumunod ay sinuway ng opisyal ang nasabing kautusan.

Sinasabi rin sa reklamo na ipinasagot pa ni Aquino sa PNOC EC ang mga nagastos niya sa ilang mga byahe niya sa abroad habang nakikipag usap kay Pionaire official representative Asllan Jaku.

Mismong si PNOC EC chairman Gemiliano Lopez ang nagsabi sa Malacañang ng tungkol sa paglabag na ito ni Aquino at pagkabigo ng PNOC board to tuparin ang due diligence sa Pionaire bilangng trade partner.

Sinabi ni Lopez na kung ginawa lamang ni Aquino ang kanyan trabahao ay makikita niya ang kapalpakan sa kasunduan.

Kabilang dito ang pagsisinungaling ng Pionaire ng sabihin nilang isa itong kumpanya na naka rehistro sa Hong Kong nang pirmahan nito ang MOU kasama ang PNOC EC noong August 25, 2016.

Napag-alaman na ang Pionaire ay nairehistro lamang sa Hong Kong noong Oct. 4, 2015 o anim na lingo matapos ang MOU signing.

TAGS: Aquino, graft, ombudsman, pnoc, Aquino, graft, ombudsman, pnoc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.