SOCE ni de Lima handang isapubliko ng Comelec

leila-de-lima3
Inquirer file photo

Nakahanda ang Commission on Elections na magbigay ng kopya ng statement of contributions and expenditures (SOCE) ni Senator Leila De Lima sa pagdinig ng Kongreso kung kinakailangan.

Sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista na public document naman ang SOCE ay maaari silang ma-provide ng kopya nito sa anumang imbestigasyon.

Nagpaliwanag si Chairman Bautista matapos na idiin si De Lima sa pagdinig ng kongreso kaugnay ng drug operations sa New Bilibid Prisons kung saan nakinabang umano ang dating Justice Secretary para sa kanyang kampanya nang tumakbo siya sa pagka-senador noong May 9 elections.

Ipinaliwanag pa ni Bautista na wala silang kakayahan para malaman kung may mga drug lords na contributor ng election fund ni De Lima.

Base sa SOCE ni De Lima, umabot ng P86,831,095 ang kanyang total contribution at nasa P88,153,300 naman ang kanyang expenditures.

Read more...