Kinumpirma ito ng White House at sinabi ng kanilang tagapagsalita na si John Earnest na hinarang ni Obama ang pagsasabatas nito dahil naniniwala siyang isa itong hindi magandang panukala.
Iginigiit ng White House na ang pagsasabatas nito ay makakasira sa sovereign immunity at posible pang maharap sa litigasyon ang mga opisyal ng gobyerno dahil dito.
Sa loob ng ilang taon niyang pagiging pangulo, naka-11 beses nang nag-veto si Obama, at wala ni isa sa mga ito ang nakakalap ng two-thirds na opposition para ito ay ma-override.
Samantala, inaasahan namang hindi magiging maganda ang pagtanggap ng pamilya ng mga biktima at survivors ng 9/11 ang nasabing veto, lalo’t naniniwala silang may kinalaman ang gobyerno ng Saudi Arabia sa nangyaring trahedya.
Labinlima kasi sa 19 na hijackers ay pawang mga mamamayan ng Saudi Arabia.