Hukom sa Agusan del Sur, kritikal matapos pagbabarilin

September 24, 2016 - 05:20 AM

agusan-del-norte-shootingBagaman nakaligtas, kritikal naman ang kondisyon na inabot ng presiding judge ng Bayugan City sa Agusan del Sur matapos siyang barilin sa ulo ng apat na armadong kalalakihan.

Nakilala ang biktima na si Hector Salise na presiding judge ng Regional Trial Court Branch 7 sa Bayugan City, Agusan del Sur.

Bukod kay Salise, nagtamo rin ng tama ng bala ang kaniyang driver na si PO3 Edmund Narvasa sa likod, binti at bewang, pero ngayon ay nasa maayos namang kondisyon.

Naganap ang insidente umaga ng Biyernes sa Purok 3, Brgy. Lemon, Butuan City habang sakay silang dalawa ng kulay pulang Toyota Innova.

Bigla na lang umano silang hinarang ng isang kulay silver na Montero Sport, kung saan bumaba ang apat na armadong kalalakihan at saka sila pinagbabaril.

Ayon sa spot report ng pulisya, nagawa pa ni Narvasa na makapag-maneho pabalik sa bayan at makapunta sa Community Police Assistance Center sa may Brgy, Villa Kananga.

Agad na silang dinala pareho sa ospital upang mabigyang lunas.

Narekober ng mga otoridad ang 15 basyo ng bala ng M16 rigles at dalawang basyo ng bala ng kalibre .45.

TAGS: Kabie Aenlle, Kabie Aenlle

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.