Drug convicts, mistulang kakampi na ng gobyerno – De Lima

By Kabie Aenlle September 24, 2016 - 05:12 AM

duterte-de-limaIpinahayag ni Sen. Leila de Lima ang kaniyang pagtataka kung bakit tila naging magkakampi na ngayon ang administrasyon at ang mga drug convicts.

Pinuna ito ni De Lima, dahil napansin niya aniyang parang ginagamit ng administrasyon ang mga drug convicts para idiin siya sa mga alegasyong nagsasangkot sa kaniya sa operasyon ng iligal na droga sa National Bilibid Prison.

Gayundin ang pagtataka ng senadora na ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na galit na galit sa iligal na droga ay dume-depende ngayon sa testimonya ng mga nakakulong na drug lords para siya ay labanan.

Ayon kay De Lima, kaalyado na ng pamahalaan ngayon ang mga drug lords at kriminal sa Bilibid sa mismong laban ng pangulo kontra iligal na droga.

Hindi man lang din aniya napapansin ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II kung gaano katawa-tawa ang sitwasyon nila kung saan pumapanig na sila sa mga sinasabi ng drug lords na ayon rin mismo sa administrasyon ay nagambagan pa ng pera para ipapatay ang pangulo.

Tinutukoy ni De Lima sina convicted robber Herbert Colangco at murder convict Jojo Baligad na tumestigo sa pagdinig ng Kamara kaugnay sa kalakalan ng droga sa loob ng Bilibid.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.