Ayon sa pangulo, hindi maaring maging “orchestrated” ang ganoong karaming testimonya, dahil posibleng magkasalisi ang mga sinasabi ng mga testigo kung hindi totoo ang mga ito.
Dagdag pa ng mga pangulo, mas magagaling pa sa kaniya ang mga susunod na tetestigo laban kay Sen. Leila de Lima sa House inquiry na sina dating National Bureau of Investigation (NBI) Deputy Directors Reynaldo Esmeralda at Raul Lasala.
Noong 2014, sinibak ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa kanilang pwesto sina Esmeralda at Lasala dahil sa umano’y pagkakaugnay kay pork barrel queen Janet Lim-Napoles, base na rin sa rekomendasyon noon ni De Lima bilang dating Justice secretary.
Sa nagdaang dalawang pagdinig sa Kamara kaugnay sa nasabing isyu, panay ang pagdiin ng mga testigo kay De Lima bilang kasangkot sa kanilang mga transaksyon sa loob ng Bilibid.