Sa inilabas niyang pahayag sa Cosmopolitan Philippines, sinabi ni Casiño na masaya siya na ngayon ay nailabas na ang katotohanan at sa wakas ay makakapag-relax na siya.
Nang tanungin naman si Albie kung kailan niya pa nalaman na hindi talaga siya ang ama ni Ellie, sinabi niya na nalaman lang niya ito sa mismong araw na lumabas ang balita.
Bagaman hindi kumpirmado kung may kaugnayan sa isyu, nagpost rin si Albie sa kaniyang Instagram account ng picture na may nakasulat na “Thank You.”
Wala pa namang inilalabas na pahayag sina Andi at Jake kaugnay dito.
Matatandaang ibinunyag ng kapatid ni Andi na si Max sa programa ni DJ Mo Twister na lumabas sa DNA test na si Jake talaga at hindi si Albie ang ama ng kaniyang pamangkin.