Panukala ng MNLF na ceasefire sa ASG, sinopla ng AFP

abu-sayyafKinontra ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang panukalang ceasefire ng militar laban sa Abu Sayyaf Group (ASG).

Ito ang sinabi ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla kasunod ng kagustuhan ni Moro National Liberation Front (MNLF) founding Chairman Nur Misuari na magkaroon muna ng tigil-putukan habang nasa gitna ng negosasyon sa pagpapalaya ng mga bihag ng ASG.

Giit ni Padilla, ginawa na noon ang ceasefire sa ASG pero naging dahilan umano ito para makatakas ang bandidong grupo.

Dagdag pa ni Padilla, tuloy-tuloy na ang opensiba at hindi iaatras ang pwersa laban sa ASG.

Aniya, magkakaroon lamang ng tsansa sa tigil-putukan sakaling may itu-turnover na bihag sa militar.

 

Read more...