Bagyong papasok ng bansa, lumakas pa, isa nang tropical storm ayon sa PAGASA
Lumakas pa ang bagyong binabantayan ng PAGASA na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa 11AM update ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 1,975 kilometers East ng Central Luzon.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers kada oras.
Mula sa pagiging tropical depression ng nasabing bagyo na may international name na Megi ay nasa tropical storm category na ito sa ngayon.
Bahagya ring bumagal ang bagyo at kumikilos na lang ngayon sa bilis na 25 kilometers kada oras sa direksyong West Northwest.
Bukas ng umaga, araw ng Sabado inaasahan itong papasok sa bansa at papangalanang Helen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.