Pinangalanan ni Albuera Police Chief of Police C/Insp. Jovie Espinido ang right hand man ni Kerwin na si Max Mero.
Nakuha mula kay Mero ang tatlong kilo ng shabu at isang 9MM na baril.
Samantala, ayon kay Espinido, nasa kustodiya na ng Albuera PNP si Mero at sa ngayon ay isinasaillaim na sa interogasyon.
Kusa aniyang sumuko si Mero sa Albuera PNP na nauna nang tumawag kahapon kay Espinido para magpaabot ng surrender feeler.
Dahil sa pagsuko ni Mero, sinabi ni Espinido na posible nang matunton ng pulisya ang mailap at pinaghahanap na si Kerwin.
Ayon kay Espinido, inaasahan na marami pang mapipigang impormasyon kay Mero lalo pa at ito mismo ang nagbibigay ng mga payola sa mga protektor ng kanyang boss na si Kerwin sa kanilang illegal drugs operations sa Eastern Visayas at sa Cebu.