Lalaking nag-aasikaso ng labor case sa NLRC, patay, matapos pagbabarilin

By Kabie Aenlle September 23, 2016 - 11:46 AM

Kuha ni Kabie Aenlle
Kuha ni Kabie Aenlle

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng mga riding-in-tandem sa kanto ng Banawe at Quezon Avenue sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Redelberto Miralles Dee.

Naganap ang krimen pasado alas-8:30 ng umaga sa harap mismo ng National Labor Relations Commission (NLRC) sa Banawe Street.

Ayon sa security officer ng NLRC na si Perlito Gabin, pagkababa ni Dee sa harap ng gusali ay naroon na ang dalawang suspek sakay ng motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.

Base sa mga nakuhang dokumento mula sa biktima, lumalabas na nag-aasikaso ng mga isyu ng mga driver ng taxi company na RNE si Dee, at kabilang sa mga nakita mula sa kaniyang mga dalang dokumento ay ang schedule ng nakatakdang hearing sa NLRC ngayong araw.

Wala pa namang nailalabas na pahayag ang pulisya sa kung ano ang posibleng motibo sa pagpatay kay Dee.

 

 

TAGS: man killed by riding in tandem in QC, man killed by riding in tandem in QC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.