Anim na miyembro ng isang pamilya, patay sa sunog sa Marikina City
Nasawi ang anim na katao matapos ang sunog na naganap sa kanilang bahay sa E. Dela Paz St., Barangay San Roque sa Marikina City.
Nagsimula ang sunog sa dalawang palapag na bahay alas 2:30 ng madaling araw na umabot lang sa unang alarma.
Ayon kay Fire Supt. Crispo Diaz, pawang suffocation ang ikinasawi ng mga biktima na hindi nagawang lumabas dahil mismong sa entrance ng ground floor nagsimula ang apoy.
Wala ding ibang malalabasan sa bahay maliban sa main entrance.
Nang maapula ang apoy, nakita mga biktima kabilang ang dalawang bata sa magkakaibang bahagi ng bahay na pawang wala nang buhay.
Kinilala ang mga biktima na sina Gabriela Gatchalian, lola; live-in partner na sina Justine San Juan at Allan Alvarado; anak nina sina Samantha Alvarado, 1 taong gulang at Sabina Alvarado, 4 na taong gulang at si Bryan San Juan, kapatid ni Justine.
Depektibong electric fan umano na nag-overheat ang hinihinalang pinagmulan ng sunog.
WATCH: Sunog sa isang bahay sa Marikina City na ikinasawi ng 6 na miyembro ng isang pamilya | @jongmanlapaz pic.twitter.com/YRXXXR3N5Q
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) September 22, 2016
WATCH: Nasawi sa sunog ang 1 lola, mag-asawa, dalawa nilang anak, at isa pang lalaki | @jongmanlapaz pic.twitter.com/hqEv0O8cpJ
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) September 22, 2016
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.