45 patay, daan-daan nawawala sa tumaob na bangka sa Egypt

 

AFP photo

Hindi bababa sa 45 ang kumpirmadong patay samantalang nasa daan-daan pa ang iniulat na nawawala sa paglubog ng isang bangka na punong mga migrants sa baybayin ng Egypt.

Ayon sa ulat ng Egyptian military, nasa 450 ang sakay ng naturang bangka nang lumayag ito mula sa Egypt patungong Italy at nasa 12 nautical miles pa lamang mula sa bayan ng Rashid nang ito ay tumaob at tuluyang lumubog.

Sa kasalukuyan, nasa mahigit 163 na ang nasagip ngunit marami pa ang nawawala.

Bagama’t karamihan sa mga biktima ay Egyptian, may mga ilang migrants din ang nagmula pa sa bansang Sudan at Somalia.

Araw-araw, daan-daang mga migrants mula Egypt ang tumatawid ng dagat sa pagtatangkang makapuslit patungong mga bansa sa Europa.

Read more...