Ransom payment para sa kalayaan ng mga Indonesian, itinanggi
Nanawagan sa publiko si Wiranto, Coordinating Political, Legal and Security Affairs Minister ng Indonesia, na tigilan na ang spekulasyon sa pagbibigay ng ransom kapalit ang kalayaan ng mga Indonesian nationals na binihag ng Abu Sayyaf.
Ito ay makaraang lumabas sa isang pahayagan na sinabi ng isang diumano’y security source na pinalaya ang mga bihag matapos magbayad ng ransom sa bandidong grupo.
Ani Wiranto, ang pagpapalaya at kalayaan ng mga nabihag ang mahalaga.
Dinakip ng Abu Sayyaf ang mga manlalayag na sina Theodorus Kopong Koten, Lorens Koten at Emmanuel sa Lahat Datu, Malaysia noong July 9, at pinalaya noong Linggo.
Hindi pa matiyak ni Miranto kung kalian makakabalik sa Indonesia ang mga ito dahil kailangan pa nilang tapusin ang ilang mga dokumento sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.