Indonesian na bihag ng Abu Sayyaf nakatakas sa Sulu

luuk-suluJolo, Sulu – Isang Indonesian kidnap victim ang nakatakas mula sa Abu Sayyaf Group sa bayan ng  Luuk, Sulu.

Nabatid na matapos makatakas na-rescue naman si Herman Manggak sa Brgy. Tambaking sa bayan ng Maimbung, Sulu ng mga tauhan ng Moro National Liberation Front (MNLF).

Kaagad itong dinala sa kampo ng MNLF saka itinurn over sa Joint Task Force Sulu.

Sa kasalukuyang isinasailalim sa medical check-up at debriefing ang biktima sa Camp Teodolfo Station Hospital sa Jolo, Sulu.

Read more...