Bagyong binabantayan ng PAGASA, napanatili ang lakas habang papalit ng bansa

By Dona Dominguez-Cargullo September 22, 2016 - 01:02 PM

Napanatili ng bagyong binabantayan ng PAGASA ang lakas nito habang patuloy na kumikilos papalapit sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa tropical cyclone advisory ng PAGASA, ang tropical depression 96W ay huling namataan sa 2,035 kilometers east ng Mindanao.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers kada oras at kumikilos sa direksyon west northwest sa bilis na 35 kilometers kada oras.

Ayon sa PAGASA, inaasahang papasok ng bansa ang nasabing bagyo sa Sabado ng gabi, September 24 at tatawagin itong Helen.

Ito ang magiging ikaapat na bagyo sa bansa ngayong buwan ng Setyembre.

Muling magbibigay ng update ang PAGASA sa lokasyon ng bagyo mamayang alas 5:00 ng hapon at bukas ng alas 5:00 ng umaga.

 

TAGS: weather update, weather update

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.