8 volcanic quake, naitala sa Bulkang Bulusan

bulusan-phivolcs-620x465
FILE PHOTO

Hindi bababa sa walong pagyanig ang naitala sa Mt. Bulusan sa Sorsogon sa loob ng 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs.

Sa 8AM bulletin ng Phivolcs, nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang bulkan.

Posible umanong dahil sa hydrothermal pressure ang mga naitalang pagyanig ayon kay Ed Laguerta, Phivolcs resident volcanologist sa lugar.

Aniya, hindi ito dapat ikabahala ng mga residente dahil mahihinang pagyanig lamang ito na dulot ng pagsingaw na sumira sa cap rocks sa ilalim ng vent ng bulkan.

Sinabi ng Phivolcs na mas nakakabahala kung may maitatalang mahihina at sunud-sunod na pagyanig dahil senyales ito na namumuo ang magma sa bulkan.

Pinaalalahanan pa rin ng PHIVOLCS ang publiko na iwasan ang pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone ng Mt. Bulusan.

Pinag-iingat din ang mga residenteng naninirahan malapit sa ilog at sapa dahil sa mga bato at lahar na posibleng dumaloy sa tuwing may pag-ulan.

Read more...