NDF pumalag sa pag-aresto sa lider ng NPA sa Mindoro
Kinondena ng isang opisyal ng National Democratic Front o NDF ang pagkakaaresto sa isang lider ng New People’s Army o NPA sa Oriental Mindoro.
Aniya, sinasabotahe ng pulisya ang usaping pagkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at mga komunistang rebelde.
Ayon sa tagapagsalita ng NDF-Mindoro na si Ka Ma. Patricia Andal, ginawa lamang ni Jeffrey delos Reyes ang tungkulin niya para sa usaping pangkapayapaan.
Gayunman, hindi pinaliwanag ni Andal kung ano ang binanggit niyang tungkulin.
Inaresto ng pulisya si Delos Reyes noong September 19 sa Barangay Sampaguita, Naujan.
Ayon sa pulisya, inihain nila kay Delos Reyes ang warrant of arrest mula kay Judge Harry Jaminola ng Regional Trial Court Branch 41 sa Pinamalayan, Oriental Mindoro para sa kasong murder.
Dagdag ng pulisya, mayroon pang nakabinbing dalawang arrest warrant kay Delos Reyes para sa kasong frustrated at attempted murder.
Pinabulaanan naman ito ni Ka Higom Maragang, tagapagsalita ng Lucio de Guzman Command ng NPA.
Tinawag ni Magarang “trumped-up” o hindi tunay ang mga akusasyon kay Delos Reyes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.