Mahigit 40 patay sa paglubog ng bangka na lulan ang mga Migrante sa Egypt

El Beheira EgyptPatay ang 43 katao nang lumubog ang sinasakyan nilang bangka sa karagatang sakop ng Egypt.

Aabot sa 600 katao ang sakay ng nasabing bangka nang ito ay tumaob at lumubog.

Naganap ang insidente sa Mediterranean Sea sa bahagi ng Burg Rashid, sa northern Beheira province.

Unang natagpuan ng mga rescuer ang 31 sa mga nasawing biktima, na kinabibilangan ng 20 lalaki, 10 babae at isang bata.

Sumunod naman ang pagkakatagpo sa katawan ng labingdalawang iba pa.

Sa nasa 600 na sakay ng bangka, 154 naman ang nailigtas, habang nasa 400 pa ang nawawala.

Sa insiyal na impormasyon, overloaded ang bangka at iyon ang naging dahilan ng pagtaob nito at tuluyang paglubog.

Sakay ng bangka ang mga migrante na pawang Egyptian, Sudanese, Eritrean, at Somali.

 

Read more...