Ayon sa datos ng Zamboanga City Health Office, umabot na sa 457 ang naitalang kaso ng nasabing sakit noong buwan ng Agosto na mas mataas kumpara sa 342 lamang sa kaparehong petsa noong 2015.
Mula Enero 2015, sampu na ang naitalang nasawi sa lungsod dahil sa dengue.
Samantala sa Bicol region, siyam na ang nasawi dahil sa sakit.
Ayon sa Regional Epidemiology Surveillance Unit ng Department of Health sa Bicol, kabilang sa mga nasawi ang tatlo mula sa Masbate, dalawa sa Sorsogon, dalawa sa Camarines Sur, at dalawa sa Albay.
Mula Enero hanggang Setyembre 17, 2016, umabot na sa 1,497 dengue cases ang naitala sa rehiyon.
Patuloy ang paalala ng DOH na ang dengue ay isa nang all-year round na sakit at hind na lamang tuwing tag-ulan.
Dahil dito, pinapayuhan ang publiko na panatilihing malinis ang kapaligiran.