Kaso ng dengue sa Zamboanga City, tumataas; patay sa Bicol dahil sa nasabing sakit umakyat na sa 9

By Dona Dominguez-Cargullo September 22, 2016 - 08:38 AM

Dengue_1Nakapagtala ng pagtaas ng kaso ng dengue sa Zamboanga City noong nakaraang buwan ng Agosto.

Ayon sa datos ng Zamboanga City Health Office, umabot na sa 457 ang naitalang kaso ng nasabing sakit noong buwan ng Agosto na mas mataas kumpara sa 342 lamang sa kaparehong petsa noong 2015.

Mula Enero 2015, sampu na ang naitalang nasawi sa lungsod dahil sa dengue.

Samantala sa Bicol region, siyam na ang nasawi dahil sa sakit.

Ayon sa Regional Epidemiology Surveillance Unit ng Department of Health sa Bicol, kabilang sa mga nasawi ang tatlo mula sa Masbate, dalawa sa Sorsogon, dalawa sa Camarines Sur, at dalawa sa Albay.

Mula Enero hanggang Setyembre 17, 2016, umabot na sa 1,497 dengue cases ang naitala sa rehiyon.

Patuloy ang paalala ng DOH na ang dengue ay isa nang all-year round na sakit at hind na lamang tuwing tag-ulan.

Dahil dito, pinapayuhan ang publiko na panatilihing malinis ang kapaligiran.

 

TAGS: dengue cases in Zamboanga City and Bicol region, dengue cases in Zamboanga City and Bicol region

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.