BBL, inaasahang maipapasa na

July 28, 2015 - 03:48 PM

Inquirer file photo

Tiwala si House Ad Hoc Committee Chairman Rufus Rodriguez na tuluyang maipapasa sa Kamara ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL, matapos itong personal na itulak ni Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang huling State of the Nation Address o SONA kahapon.

Sinabi ni Rodriguez na ang pahayag ni Presidente Aquino ay may malaking epekto sa nagpapatuloy na peace process.

Pagtitiyak ni Rodriguez, agad nilang babalikan ang period of interpellation sa BBL o Basic Law for the Bangsamoro Autonomous Region o BLBAR.

Mananatili rin daw ang panukala sa pinakamataas na antas ng kanilang prayoridad. Ani Rodriguez, batid ng mga kongresista na marami ng naghihintay sa konklusyon ng peace process ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front o MILF, kaya gagawin nila ang lahat para mapagtibay ang BBL.

Kinumpirma naman ni Rodriguez na personal na kakausapin ng liderato ng MILF ang bawat senador para makuha ang kanilang suporta sa BBL.

Nagpadala na raw ng sulat ang MILF leadership sa Mataas na Kapulungan, pero batay kay MILF Chief Negotiator Mohagher Iqbal, hindi lamang ito ang kanilang gagawing hakbang para makumbinsi ang mga senador ./ Isa Avendaño-Umali

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.