Basement ng ginagawang gusali sa Eastwood City sa Libis, nasunog
Tinupok ng apoy ang bahagi ng basement ng itinatayong Eastwood Tower 1 sa Libis sa Quezon City.
Nagsimula ang sunog pasado alas 12:00 ng hatinggabi at itinaas sa ikaapat na alarma alas 2:30 ng madaling araw.
Dalawang bumbero naman ang nasugatan sa nasabing sunog.
Tinatayang nasa P500,000 ang halaga ng natupok ng apoy sa nasabing basement na naglalaman ng mga kagamitan para sa patuloy na konstruksyon ng gusali.
Alas 5:34 ng umaga nang idineklara ng Quezon City Fire Department na under control ang sunog at 5:51 ng umaga nang maideklarang fire out.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.