Pangulong Duterte, walang balak magpatupad ng martial law

By Kabie Aenlle September 22, 2016 - 04:47 AM

 

duterte pafAminado si Pangulong Rodrigo Duterte na nahihirapan rin siya sa pag-resolba sa problema ng iligal na droga sa bansa.

Ayon sa pangulo, namomroblema rin siya dahil hindi naman niya maaring basta na lamang ipadampot o ipapatay ang mga sangkot sa droga.

Pero sa kabila ng problemang ito, iginiit ng pangulo na wala sa pinagpipilian niya ang pagpapatupad o pagdedeklara ng martial law.

Sa paggunita sa ika-44 na anibersaryo ng martial law sa Camp Elias Angeles San Jose sa Pili, Camarines Sur, marami nang nadawit sa iligal na droga kabilang na ang mga opisyal at tauhan ng pamahalaan, pati na sa mga tagapagpatupad ng batas.

Iginiit rin ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., na sa nakikita niya sa pangulo, wala itong intensyon na magpatupad ng martial law kahit pa marami na ang nag-mungkahi nito sa kaniya.

Samantala, pinabulaanan naman ni Communications Sec. Martin Andanar na ang hindi pagdedeklara bilang holiday ng martial law anniversary kahapon ay nangangahulugan na binalewala ito ng Malacañang.

Paliwanag ni Andanar, bagaman regular working day kahapon, hindi naman nito ibig sabihin na hindi binigyang pagpapahalaga ang paggunita ng bayan sa panahong ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.