Ifugao at Nueva Vizcaya, mawawalan ng kuryente mamaya

 

Makakaranas ng 11 oras na kawalan ng kuryente ang mga Nueva Vizcaya at Ifugao ngayong araw.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines, mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi, mawawalan ng kuryente ang mga bayan ng Lamut, Lagawe, Hingyon, Banaue, Mayayao, Tinoc at Apisulo sa Ifugao.

Habang sa Nueva Vizcaya naman, maaapektuhan ang mga bayan ng Villaverde, Diadi, Wuezon at Bagabag.

Ang mga magiging power interruption sa araw na ito ay dahil sa maintenance work na ginagawa sa kahabaan ng Bayombong-Lagawe 69-kiloVolt line.

Read more...