Palasyo, idinepensa ang mahabang SONA ni PNoy

July 28, 2015 - 02:43 PM

Inquirer.net file photo

Ipinagtanggol ng Malacañang at ng mga kaalyado ang mahabang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Bemigno Aquino.

Ayon kay Communication Secretary Sonny Coloma, ito na ang huling SONA ng pangulo kaya sinulit nito ang ulat sa kanyang mga boss.

Minarapat ng pangulo na ilatag lahat ng mga nagawa ng administrasyon sa nakalipas na limang taon at mga plano sa mga nalalabi pa nitong panahon sa Malacañang.

Binigyang diin ni Coloma na nais ng Pangulo na ganap na maunawaan ng mga mamamayan ang kabuuan ng mga pagbabagong ipinapatupad sa ‘Daang Matuwid’.

Ikinatuwa naman ng palasyo ang pahayag ng ilang senador kabilang na si Senator Chiz Escudero na karapatan ng pangulo na maghayag ng kanyang ulat sa bayan at dahil huli na ito ay nauunawaan niya kung bakit mahaba sa karaniwan./ Alvin Barcelona

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.