Fact-finding team na mag-iimbestiga sa 4 na hukom na idinadawit sa drugs, buo na

By Jay Dones September 22, 2016 - 04:36 AM

 

supreme-courtInabisuhan na ng Korte Suprema ang Malacañang na maari na itong magsampa ng pormal na reklamo laban sa mga huwes na kinilala ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakikinabang umano sa illegal drug trade sa bansa.

Ito’y makaraang mabuo na ng Kataas-taasang Hukuman ang fact finding team na magsasagawa ng imbestigasyon sa pagkakasangkot umano ng apat na huwes sa droga.

Sa pamamagitan ng resolusyon, inanunsyo ng SC ang pagtatalaga kay Supreme Court Justice Roberto A. Abad bilang pinuno ng binuong fact finding mission.

Binibigyan ang grupo ng 30 araw upang makapaglabas ng ulat ukol sa katototohanan sa likod ng mga alegasyon kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Inatasan na rin ng SC sina Judge Exequil Dagala ng Municipal Trial Court ng Dapa-Socorro sa Surigao; Adriano Savillo, Regional Trial Court Branch 30 ng Iloilo City; Domingo Casiple ng RTC branch 7 sa Kalibo, Aklan at Judge Antonio Reyes ng RTC Branch 61 sa Baguio City na sumagot sa mga alegasyon sa loob ng pitong araw matapos matanggap ang pormal na reklamo mula sa Palasyo.

Dagdag pa ng Korte Suprema, na magsisilbing bahagi ng complaint laban sa apat na hukom ang naging talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan na tumutukoy sa apat bilang sangkot umano sa illegal drug trade sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.