NAIA Expressway, bukas na; libreng daanan sa loob ng isang buwan
Bukas na simula kaninang 12:01 ng hatinggabi ang isang bahagi ng bagong expressway na patungong Ninoy AquinoInternational Airport (NAIA).
Bukod sa inaasahang mas mapapadaling biyahe gamit ang nasabing expressway, may bonus pa ang operators nito sa mga motorista dahil ipapagamit nila ito nang libre sa loob ng isang buwan.
Ang Phase 2A ay kumokonekta sa NAIA Terminal 1 at 2 sa Macapagal Avenue, pati na tin sa Entertainment City complex.
Samantala, ang isa pa namang bahagi na nag-uugnay sa Terminal 1, 2 at 3 patungo sa South Luzon Expressway ay bubuksan bago magsimula ang panahon ng Kapaskuhan.
Mayroong apat na lanes ang NAIA Expressway project na may habang 12.65 kilometer elevated expressway at 2.22 kilometer at-grade road na bumabaybay sa Sales Avenue, Andrews Avenue, Parañaque River, MIAA Road at Diosdado Macapagal Boulevard.
Ito ay isa sa mga infrastructure projects na binigyang prayoridad ni Pangulong Duterte para maibsan ang trapiko sa Metro Manila, at inaasahang mababawasan nito ng 60 percent ang travel time papunta sa paliparan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.