Mga unibersidad sa eastern Canada, inilikas dahil sa serye ng ‘bomb threat’

September 22, 2016 - 02:47 AM

 

canada schoolNasa 60 unibersidad  at kolehiyo sa eastern Canada ang inilikas ng mga otoridad dahil sa serye ng mga bomb threat mula sa hindi nagpakilalang mga suspek.

Ayon sa Royal Canadian Mounted Police, lahat ng Prince Edward Islands schools ang kinailangang i-clear sa gitna ng ‘potential threat’.

Libu-libong mga estudyante at staff ang pinalikas mula sa mga primary at secondary schools at dinala sa mga itinalagang ‘safe location’ kung saan sinalubong sila ng kanilang mga magulang at kaanak.

Sa Nova Scotia, nakatanggap din ng anonymous bomb threat ang tatlong university campus sa lalawigan.

Maging ang Cape Breton University ay nakatanggap din ng banta ng pagsabog kaya’t maging ito ay ipinasara rin pansamantala ng mga otoridad.

Makalipas ang ilang oras na paghahalughog, kinumpirma ng RCMP na walang bomba na natagpuan sa ilang mga paaralang naapektuhan ng bomb threat.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.