Ayon sa astronomical diary ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), magaganap ang autumnal equinox mamayang 10:31 ng gabi.
Dahil dito, magiging mas mahaba na ang gabi sa Pilipinas dahil gagalaw ang araw pababa sa celestial equator sa direksyong patungong southern hemisphere.
Ang equinox ay kadalasang senyales ng pagpapalit ng season.
Paliwanag pa ng PAGASA, ang vernal equinox ay nagaganap March 20 o March 21 na hudyat ng pagsisimula ng spring, habang ang autumnal equinox ay nagaganap September 22 o 23 na hudyat naman ng pagsisimula ng autumn.
Sisikat ang araw ngayong Huwebes ganap na 5:45 ng umaga at bababa 5:52 ng hapon.