‘Kalagayan ng empleyo sa bansa, hindi matatag’-KMU

July 28, 2015 - 12:49 PM

Contributed pgoto
Contributed photo

Isang kasinungalungan.

Ito ang reaksiyon ng militanteng grupong Kilusang Mayo Uno o KMU.

Ayon sa KMU, hindi umano tama ang binanggit ni Pangulong Benigno Aquino III sa kaniyang huling State of the Nation Address (SONA) na gumanda ang employment situation sa bansa.

Ayon sa grupong KMU, hindi totoong bumaba ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) dahil marami nang trabaho na available dito sa Pilipinas.

Sinabi ni Elmer Labog, chairperson ng KMU, ang pagbaba ng bilang ng mga Pinoy na nangingibang bansa ay dahil sa pandaigdigang financial crisis.

Kabilang din aniya sa dahilan ang ‘nature’ ng mga trabaho sa abroad at ang pagiging contractual employees ng mga OFWs.

Inihayag din ng grupo na sa 6.8 percent unemployment rate na ipinagmalaki ni PNoy sa SONA ay hindi kabilang ang mga nawalan ng trabaho sa Eastern Visayas na nabiktima ng bagyo.

Kabilang din ayon sa KMU na bahagi ng itinuturing na may trabaho ay ang mga may part time workers at ang mga nasa informal sectors.

Kahapon sa huling SONA ni PNoy, kasama ang KMU sa mga nagsagawa ng kilos protesta sa Commonwealth Avenue sa Quezon City para ihayag ang kanilang mga hinaing sa kakulangan ng trabaho sa bansa at kawalan pa rin ng sapat na proteksyon sa mga manggagawang pinoy./ Erwin Aguilon

TAGS: sona2015, sona2015

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.