Panibagong reklamo kay de Lima isinampa sa Senado

By Den Macaranas September 21, 2016 - 04:57 PM

de-lima
Inquirer file photo

Isa na namang ethics complaint ang isinampa laban kay Sen. Leila de Lima.

Ang nasabing balita ay personal na kinumpirma ni Sen. Vicente Tito Sotto III na siya ring pinuno ng Senate Ethics Committee.

Aminado naman ang mambabatas na hindi pa niya nababasa ang bagong reklamo laban kay de Lima na isinumite sa komite na kanyang pinamumunuan kahapon ng gabi.

Nauna nang nagsampa ng reklamo sa Ethics Committee si Atty. Abelardo de Jesus kaugnay sa umano’y pagkakasangkot ni de Lima sa illegal drug trade.

Sa Senado, pinayuhan ni Sen. Ping Lacson si de Lima na manahimik na muna at huwag nang dagdagan ang kanyang mga kaaway.

Nauna nang sinabi ni Lacson na masyadong mabigat ang mga ebidensya laban kay de Lima na siya namang nagpainit sa ulo ng dating Justice Secretary.

Sinabi ni de Lima na kaya niyang patunayan na walang batayan ang mga isyu at reklamong ibinabato laban sa kanya.

TAGS: de jesus, de lima, ethics, Sotto, de jesus, de lima, ethics, Sotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.