Babaeng dinukot ng Abu Sayyaf, nailigtas sa Sulu

By Erwin Aguilon September 21, 2016 - 10:27 AM

Abu Sayyaf

(UPDATE) Isa na namang kidnap victim ang nailigtas ng militar.

Ayon kay Lt. Col. Vladimir Villanueva, Battalion Commander ng 35th Infantry Battalion ng 501st Brigade ng Philippine Army na nakabase sa Patikul Sulu, nailigtas ng kanyang mga tauhan ang biktima sa sa BJ compiund, Barangay Buanza, Indanan, Sulu alas 7:00, Miyerkules ng umaga.

Nabatid na nakatanggap ng ulat ang mga awtoridad na may mga armado sa lugar at nang puntahan nagtakbuhan ang nasa anim na armadong lalaki na hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group.

Nakilala ang kidnap victim na si Martina Lim Yee, 60 anyos, na dinukot nitong nakaraang linggo sa may bahagi ng Zamboanga Del Norte.

Dinukot si Yee biktima dakong alas 4:00 ng hapon noong Lunes sa kaniyang tindahan sa Sira-way, Zamboanga Del Norte saka dinala sa Zamboanga City bago dinala sa Indanan, Sulu.

Hinang-hina ang biktima nang ma-rescue ng pinagsanib na puwersa ng 35th Infantry Battalion ng Philippine Army, Indanan Police at Moro National Liberation Front.

Sinabi ng biktima na hindi sya pinakain ng bandidong grupo mula nang dukutin hanggang sa mailigtas.

Dinala na sa Camp Teodolfo Bautista Station Hospital ang nasabing biktima at agad isinailalim sa medical examination.

 

 

 

TAGS: kindap victim, kindap victim

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.