US, may bagong pinangalanang terror group sa Syria

 

File photo

Opisyal nang tinukoy ng Estados Unidos bilang “Specially Designated Global Terrorist” organization ang Syrian jihadist rebel group na Jund al-Aqsa.

Ayon sa US State Department, ang nasabing apat na taong gulang na grupo ay unang naging unit ng al-Nusra Front na sangay ng Al-Qaeda sa Syria bago sila nagsarili at nagsagawa ng kanilang mga operasyon.

Sa ngayon, mas laganap ang operasyon ng Jund al-Aqsa sa mga probinsya ng Idlib at Hama, pero nananatili naman silang kakampi ng al-Nusra.

Sinasabing ang Jund al-Aqsa ang nasa likod ng 2 suicide bombings sa Idlib noong 2015, pati na ang pag-masaker sa 40 sibilyan sa Maan, central Hama.

Lumabas ang desisyong ito matapos amgpulong sina US Secretary of State John Kerry at Russian Foreign Minister Sergei Lavrov sa New York, sa paglalayong mapanatili ang ceasefire sa Syria.

Read more...