Binatikos ng mga mambabatas na kasapi ng oposisyon ang ‘partisan agenda’ sa naganap na committee hearing kahapon kaugnay sa pagkalat ng iligal na droga sa New Bilibid Prisons.
Partikular na tinukoy ni Magdalo rep. Gary Alejano kung paano mas nabigyan ng preferential treatment ang mga nagsilbing witness sa pagdinig na mga convicted drug traffickers at drug lords na nabigyan agad ng immunity from suit ni House Speaker Pantaleon Alvarez.
Ito aniya ay kabaligtaran sa pagtanggi ng senado na bigyan ng protective custody ang self-confessed hitman na si Edgar Matobato.
Kinastigo rin ni Alejano ang mistulang pag-take over ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa committee hearing dahil ito na ang nagtatanong sa mga witness at hindi ang mga miyembro ng komite.
Giit naman ni Rep. Edcel Lagman, sa ilalim ng house rules, hindi dapat pinayagan si Aguirre na magtanong sa kanyang mga witness.
Malinaw din aniya na inilunsad ang pagdinig upang ipilit na maiugnay lamang si senador Leila De Lima sa iligal na droga na nagmumula umano sa Bilibid.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.